Para tulungan kang makita ang uri ng mga ad na mas malamang na maging interesado ka, maaaring gamitin ng Pinterest o ng kumpanyang nag-a-advertise sa Pinterest ang impormasyon tungkol sa iyong aktibidad na wala sa Pinterest para i-personalize ang mga ad na nakikita mo.

Halimbawa:

  • Ang isang kumpanyang nag-a-advertise sa Pinterest ay maaaring magbahagi ng listahan ng mga email address ng customer na nasa amin. At kung nasa Pinterest ang kanilang mga customer, maipapakita namin sa kanila ang mas may kaugnayang mga ad.
  • Maaari silang gumamit ng Pinterest tag sa kanilang website, o magpadala sa amin ng impormasyon mula sa kanilang mobile app, para tulungan kaming maintindihan kung sino ang bumisita o bumili sa kanilang site o app. Maaari naming gamitin ang impormasyon na iyon para magpakita ng mga ad sa mga nararapat na tao sa Pinterest. Halimbawa, sa ganitong paraan maaari kang makakuha ng ad para sa isang pares ng sapatos na na-check out mo, pero hindi binili.
  • Mag-opt out sa mga naka-personalize na ad sa Pinterest
  • Mag-login sa iyong Pinterest account
  • I-click ang  the chevron-down icon  sa kanang sulok sa itaas
  • I-click ang Settings
  • I-click ang Privacy at data
  • Alisin ang check sa kahon sa tabi ng Paggamit ng impormasyon ng partner
  • I-click ang I-save
  • Buksan ang Pinterest app sa iyong device at mag-log in sa Pinterest account mo
  • I-tap ang iyong litrato sa profile sa kanang ibaba para pumunta sa iyong profile, pagkatapos ay i-tap ang iyong litrato sa profile sa kaliwang itaas para pumunta sa iyong mga setting
    • Kung mayroon kang account ng negosyo, i-tap mo ang  the ellipsis icon  sa kanang sulok sa itaas at pagkatapos ay piliin ang Mga Setting
  • I-tap ang Settings
  • I-tap ang Privacy at data
  • I-toggle ang switch sa tabi ng Paggamit ng impormasyon ng partner
  • Awtomatikong ise-save ang iyong mga binago.

  • Buksan ang Pinterest app sa iyong device at mag-log in sa Pinterest account mo
  • I-tap ang iyong litrato sa profile sa kanang ibaba para pumunta sa iyong profile, pagkatapos ay i-tap ang iyong litrato sa profile sa kaliwang itaas para pumunta sa iyong mga setting
    • Kung mayroon kang account ng negosyo, i-tap mo ang  the ellipsis icon  sa kanang sulok sa itaas at pagkatapos ay piliin ang Mga Setting
  • I-tap ang Settings
  • I-tap ang Privacy at data
  • I-toggle ang switch sa tabi ng Paggamit ng impormasyon ng partner
  • Awtomatikong ise-save ang iyong mga binago.

    Pakitandaan na hindi naaangkop ang setting na ito sa impormasyon tungkol sa mga pagbili na sinisimulan mo sa Pinterest.

    I-update ang mga kagustuhan sa pagbabahagi ng data na wala sa Pinterest

    Nasa ibaba ang iba pang opsyon na nagpapahintulot sa iyong makontrol kung paano ginagamit ang data mula sa isang browser o mobile device para sa pag-personalize ng mga ad ng Pinterest at ng iba pang serbisyo sa ad. Tandaan na ang bawat kontrol ay ginagamit lang sa data mula sa browser o device kung saan mo ito ginagamit. 

    Kung gusto mong mag-opt out sa lahat ng pag-personalize ng ad ng Pinterest gamit ang iyong aktibidad na hindi ginawa sa Pinterest, gamitin ang mga setting ng iyong Pinterest account gaya ng inilalarawan sa itaas

    I-update ang mga kagustuhan sa aktibidad ng web

    Sumusunod ang Pinterest sa Self-Regulatory Principles for Online Behavioral Advertising ng Digital Advertising Alliance at nagbibigay ng pag-opt out sa consumer choice tool ng DAA sa optout.aboutads.info. Sa site na iyon puwede kang mag-opt out sa paggamit ng impormasyon na kinokolekta ng Pinterest tungkol sa iyong aktibidad sa pag-browse sa web para sa layunin ng pagpapakita sa iyo ng mga ad na may tina-target.

    Tandaan na kapag nag-opt out ka sa aboutads.info, ang pipiliin mo roon ay gagamitin lang sa impormasyon na kinokolekta ng Pinterest tag mula sa browser na ginagamit mo para mag-opt out. Hindi ito ginagamit sa mga mobile app o sa anumang iba pang browser na maaari mong gamitin. Tandaan din na kung iki-clear mo ang iyong cookies, kakailanganin mong mag-opt out muli.

    I-update ang mga kagustuhan sa mga mobile app

    Nagbibigay din ang mga iOS at Android device ng mga pagpipilian na partikular sa mga platform na iyon. Nagbibigay kami ng buod ng mga pagpipiliang iyon sa ibaba, pero mangyaring basahin ang mga paghahayag na iyon nang detalyado 

    Kung gusto mong mag-opt out, dapat mong gamitin ang mga setting na ito, at tandaan na ang iyong pagpili ay ginagamit lang sa device kung saan ka nag-o-opt out. Kung gusto mong mag-opt out sa maraming device, kailangan mong hiwalay na mag-opt out sa bawat isa nito.

    Android

    Ang mga Android device ay may nare-reset na identifier sa pag-advertise na ginagamit ng Pinterest at iba pang kumpanya para i-target ang mga ad batay sa mga app na ginagamit mo. Ang mga Android device ay pinapayagan kang mag-opt out sa paggamit ng identifier na ito para sa mga layunin ng pagpapakita sa iyo ng mga ad na may tina-target. Bisitahin ang help center ng Android para alamin pa. 

    iOS

    Sa anumang device na may bersyon ng iOS na 14.5 o mas mataas, kinakailangang humingi ng pahintulot ang isang app para gamitin ang impormasyon na natatanggap nito tungkol sa iyong aktibidad mula sa mga app at website ng iba pang kumpanya sa device na iyon, kung gagamitin nito ang impormasyon para sa pag-advertise. Bisitahin ang help center ng Apple para alamin pa.

    Sa Pinterest

  • Kung pipiliin mo ang “Payagan” ang pag-track, tinutulungan nitong i-personalize ang iyong karanasan sa mga ad at mapaganda ang mga ad na nakikita mo. 
  • Kung pipiilin mo ang “Hilingin sa App na Huwag I-track”, magiging hindi masyadong naka-personalize ang iyong mga ad. Posible pa ring ipadala sa amin ng mga advertiser ang impormasyon ng iyong aktibidad. Gagamitin lang namin ang impormasyong ito para sa pag-a-advertise pagkatapos naming alisin o isama ito sa iba pang impormasyon para hindi na ito iuugnay sa iyo.
  • May masasabi ka ba sa mga ad? Padalhan kami ng feedback
    End of Other articles Links
    Kailangan pa rin ng tulong? Kontakin kami